Dapat nang i-akyat sa plenaryo at pagbotohan ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.
Iginiit ito ni Cong. Lito Atienza sa harap anya nang wala namang direksyon na public hearing ng house committee on legislative franchises.
Ayon kay Atienza, lahat ng isyu na ibinabato sa ABS-CBN ay nasagot na ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.
Tulad anya ng citizenship ni Mr. Gabby Lopez na sinabi na ng bureau of immigration na 100 percent filipino, ang pagbebenta ng pdr na wala namang paglabag, ayon sa securities and exchange commmission at ang 50 years limit sa prangkisa na nilinaw na ng Department of Justice (DOJ).
Ang problema anya, kahit anong sabihin ng mga inimbitahan nilang eksperto ay ayaw namang tanggapin ng mga kontra na mai renew ang prangkisa ng ABS-CBN.
Let show the public that we are not partial here, we are out here to determine wether ABS-CBN deserve to be given a franchise here or not. Let us not allow one man, I will use the word drawl bid masama ba ibig sabihin ng drawl bid? or any other word to describe what’s going on the committee. Apat sila nag-aapi si Mr. Mark Coleta, Mr. Barzaga, congressman Defensor at Congressman taga-Cavite nakalimutan ko ‘yung pangalan —panayam mula Ratsada Balita