Tila kumita pa umano ang mga executive ng ABS-CBN sa pangunguna ng presidente at chief executive officer (CEO) nitong si Carlo Katigbak, sa kabila ng pagbasura ng kamara sa prangkisa ng dating media giant.
Ayon sa report, pumapalo sa kabuuang P28.2-milyong bonus ang tinanggap ng limang executive ng ABS-CBN noong 2020 at may makukuha pang halos P8-milyon ngayong taon.
Sa disclosure ng ABS-CBN sa Philippine Stock Exchange, pumalo saP 138.4-milyon ang pinasuweldo noong 2020 kina Katigbak, Aldrin Cerrado, Laurenti Dyogi, Roldeo Edrinal at Maria Soccoro Vidanes.
Bukod pa ito sa P28.2-milyong bonus at P9.2-milyong ibang kita ng mga naturang ABS-CBN executives.
Sa taong ito ay sinasabing aabot sa P146.1-milyon ang ipapasuweldo sa mga nasabing Kapamilya executives bukod pa sa mga bonus at iba pang benepisyo.
Batay pa sa report, 6% ang itinaas sa suweldo nina Katigbak, Ceraso, Dyogi, Edrinal at Vidanes.