Ipinauubaya na ng Palasyo sa Kongreso ang usapin sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN television station.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ay dahil hindi naman mapagtanim ng galit ang Pangulong Rodrigo Duterte kahit kaninuman.
Sinabi pa ni Panelo na mabuting tao ang pangulo at ang mga naunang pahayag nito laban sa ABS-CBN ay dulot lamang ng inis sa nasabing istasyon.
Una nang inihain ni Batangas Congresswoman Vilma Santos Recto ang panukala para sa franchise renewal ng ABS-CBN na inaasahang pag-uusapan ng Committee on Legislaitve Franchise sa pagbabalik ng sesyon nito sa susunod na buwan.