Nakahanda ang ABS-CBN na sundin ang nais ng pangulo na i-donate sa charitable institution ang P2.6-million na dapat ay refund para sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Pahayag ito ng ABS-CBN matapos na tanggapin ng pangulo ang paghingi ng paumanhin ni Carlo Katigbak, ang pangulo at CEO ng ABS-CBN, sa hindi pagkaka-ere ng kanyang political ads nuong 2016.
Sa statement na inilabas ng ABS-CBN, makikipag ugnayan umano sila sa tanggapan ng pangulo upang humingi ng guidance sa gagawing donasyon.
Ayon pa sa ABS-CBN, lubos na pasasalamat ang kanilang nararamdaman at nakakababa ng kalooban ang pagtanggap ng pangulo sa kanilang paghingi ng paumanhin.
Matatandaan na bagamat tinanggap ng pangulo ang apology ng ABS-CBN at sinabi nito na hindi sya makikialam sa nabibinbing panukalang batas sa Kongreso hinggil sa renewal ng prangkisa ng network.