Umapela ng suporta sa publiko ang ABS-CBN matapos ipatigil ng National Telecommunication Commission (NTC) ang kanilang operasyon.
Ayon kay ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, ngayon ay kailangan nila ng karamay at suporta para maipagpatuloy ang ang serbisyo ng naturang network.
Ito aniya ay alang-alang sa 11,000 empleyado ng ABS-CBN at sa kanilang pamilya na maaapektuhan ang kabuhayan at maaaring mawalan ng trabaho.
Lalung-lalo na umano ngayon sa panahon na may pinakamatinding krisis sa bansa maging sa buong mundo.
Samantala, tiniyak naman ni ABS-CBN chairman Mark Lopez sa publiko na magpapatuloy ang pagbibigay nila ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng ibang platforms.