Obligasyon ng ABS-CBN na bigyan ng kumpensasyon ang mga empleyadong mawawalan ng trabaho matapos ibasura ng Kamara ang bagong prangkisa nito.
Ito ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Ana Dione ay pagpapakita ng malasakit ng media giant sa kanilang mga empleyado.
Tiniyak naman ni Dione ang kahandaan ng DOLE na magbigay ng ayuda sa mga mawawalan ng trabaho basta’t makuha lamang nila ang tunay na bilang at kung sinu sino ang mga ito para mabatid ang mga benepisyong para sa mga ito.