Maari pa ring makapag-operate ang ABS – CBN network kahit pa umuusad sa kongreso ang usapin sa renewal ng prangkisa nito.
Ito ay ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate batay na memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan ng National Telecommunciations, Kapisanan ng Broadkaster ng Pilipinas at House of Representatives noong 1994.
Tinukoy sa naturang MOU na maaring bigyan ng temporary permit ng NTC ang broadcast companies na mayroong pending franchise renewal applications na valid hanggang dalawang taon.
Kaya naman kung pagbabatayan ang naging MOU, sinabi ni Zarate na maari nang magpalabas ang NTC ng provisional authority para sa ABS – CBN bago pa mag-expire ang prangkisa nito.