Humingi ng paumanhin sa Pangulong Rodrigo Duterte ang Pangulo at Chief Operating Officer ng ABS-CBN, Carlo Katigbak.
Kaugnay ito sa hinanakit ng Pangulo sa ABS-CBN nang hindi umano i-ere ang kanyang political ads noong 2016 elections.
Ayon kay Katigbak, mayroon silang dalawang klase ng ads, ang national at local ads sa ilang piling lalawigan.
Naere aniya nila ang lahat ng pol ads ng Pangulo sa national na nagkakahalaga ng P117-M subalit nagkaproblema sila sa local ads dahil dalawang minuto lamang ito sa kada oras.
Sinabi ni Katigbak na pitong milyon sa P65-M local ads ng Pangulo hindi nila nai-ere.
Naisoli aniya nila sa Pangulo ang apat na milyon subalit na delay ang iba pa kaya’t hindi ito tinanggap Pangulo.
We were sorry if we offended the President, that was not the intention of the network we felt that we were just abidding the laws and regulations that surround the airing of political ads and I think today we want to make up the categorical statement together with our Chairman Mark Lopez, that ABS does not and will not have its own political agenda,” ani Katigbak.