Magbabalik na umano sa himpapawid ang Tv network giant na ABS-CBN sa ilalim ng liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco.
Ito ang kinumpirma ni House Deputy Speaker at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza kasunod na rin ng pagpapalit ng liderato sa Kamara.
Kumpiyansa si Atienza na pagbibigyan muli ni Velasco na makabalik sa plenaryo ang usapin hinggil sa franchise renewal ng ABS-CBN.
I am really confident, justice will prevail by next year.They(ABS-CBN) were maltreated, they were maltreated, they were eventually assassinated, so they should be given justice. Ako, I am just giving the new Spea¬ker time to settle. Hindi namannatinpuwedengbiglain, major battle, kauupolamangniya. But I am not shying away from the responsibility and for the opportunity to come – that I’m working on – para maibaliknatin ‘yung floor discussion. Hindi ‘yung special firing squad ang pumataysa ABS-CBN, firing squad eh”, paliwanagni Atienza kung saan ang firing squad ay ang patukoysaginawangpagbasuraagadsakomite level ng franchise renewal application ng giant network at hindinaitonaisalangsa House Plenary.
Magugunitang sa botong 70 pabor, 11 tutol at isang abstain, matagumpay na naibasura ng house committe on legislative franchises ang aplikasyon ng ABS-CBN para mapalawig ang kanilang prangkisa.
Pero ayon kay House Minority Leader at Abang Lingkod Partylist Joseph Stephen Paduano, maaari na muling maghain ng aplikasyon ang ABS – CBN pagpasok ng 2021 alinsunod na rin sa rules ng Kamara.