Malaki umano ang epekto ng pagsasara ng ABS-CBN sa industriya ng media sa bansa.
Ito ang inihayag ng Kapisinan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) matapos matigil ang operasyon ng media giant.
Ayon kay KBP president Ruperto Nicdao Jr., isa ang ABS-CBN sa pinaka malaking network servicing sa buong bansa kung saan abot din nito ang mga Pilipino na nasa ibayong dagat.
Ani Nicdao, maging para sa mga advertisers, mas pabor silang nandyaan ang ABS-CBN dahil mas marami ang mapagpipilian.
Sinabi rin ni Nicdao na nakakabigla ang naging kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC) na nataon pang sa gitna ng nararanasang krisis dahil sa COVID-19.
Gayunman, positibo si Nicdao na mapagaaralan muli ng mga kinauukulan ang naging desisyon ng NTC para matukoy kung ano ang mas makakabuti para sa nakararami.