Nangangalap na ng kumpletong impormasyon ang PNP tungkol sa napaulat na “absentee quarantine” modus ng mga quarantine hotel.
Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson PCol. Roderick Augustus Alba matapos na ipaalam ni Tourism Secretary Bernadette Puyat sa PNP at DILG ang ilegal na aktibidad.
Ayon sa kalihim, may mga hotel na nag-aalok ng “absentee quarantine” packages kung saan hindi naglalagi sa hotel ang mga dapat naka-quarantine ng 5-araw na balikbayan, at magtutungo nalang doon sa ika-limang araw para sa COVID test.
Nabisto ang modus nang matuklasan na nagtungo sa isang bar ang isang balikbayan na dapat ay naka-quarantine sa isang hotel sa Makati, na kinalaunan ay nag-positibo sa COVID. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)