Muling inihain sa kamara ang panukalang batas na nagsusulong sa legalidad ng diborsyo sa Pilipinas.
Sa ilalim ng House Bill No. 2263 o Absolute Divorce bill na inihain ni Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, maaari nang magpakasal muli sa iba ang mag-asawang naghiwalay.
Layon din nito na maging abot-kaya ang diborsyo lalo na sa mga mahihirap na magpe-petisyon.
Mayroon din tinatawag na mandatory cooling off period na nakasaad sa panukala kung saan sa loob ng anim (6) na buwan ay hindi muna sisimulan ang paglilitis ng korte at susubukang pag-ayusin pa ang mag-asawa.
Una nang inihain ni Alvarez ang kaniyang bersyon ng Absolute Divorce bill noong siya ay House Speaker pa ng kamara ngunit bigo itong makalusot sa senado noong 17th congress.