Humiling ng absolute pardon si dating Zamboanga del Norte Congressman Romeo Jalosjos kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Board of Pardons and Parole, isa si Jalosjos sa tatlumpu’t anim na convict na humihiling ng executive clemency kay Pangulong Duterte.
Si Jaloslos ay na-convict sa kasong statutory rape noong 1996 at pinalaya mula sa New Bilibid Prison (NBP) noong March 2009 makaraang magawaran ng commutation of sentence.
Tinangka rin ni Jalosjos na sumabak sa pagka-alkalde ng Zamboanga City noong 2013, subalit ipinawalang bisa ng COMELEC dahil kabilang sa ipinataw na kaparusahan sa kanya ay ang perpetual disqualification sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
By Meann Tanbio