Kinontra ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kautusan ni Pangulong Duterte na pasabugin o kanyunin na ang mga mamamataang Abu Sayaf sa lalawigan ng Bohol.
Para kay Lorenzana, mas nais niyang mahuli ng buhaya ng mga bandido upang makakuha pa ng mga karagdagang impormasyon ang pamahalaan sa plano ng teroristang grupo.
Una nang sinabi ng kalihim na aabutin lamang ng tatlong araw ang militar upang matimbog ang pito pang nalalabing Abu Sayaf na nananatili sa lalawigan ng Bohol.
Magugunitang nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng Isang Milyong Pisong pabuya para sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga natitira pang miyembro ng Abu Sayaf sa nasabing lalawigan buhay man o patay.
By: Jaymark Dagala