Desperado na ang estado ngayon ng Abu Sayyaf.
Ito ayon kay General Cirilito Sobejana ng Joint Task Force Sulu ang dahilan kaya’t wala nang pinipiling biktima ang mga bandido.
Tinukoy ni Sobejana ang anim katao na pinakahuling biktima ng kidnapping ng Abu Sayyaf na aniya ay pawang galing sa mahirap na pamilya.
Sinabi ni Sobejana na sinasamantala nila ngayon ang paghina ng grupo upang tuluyang mapulbos ang mga ito.
Sa ngayon, labing limang (15) pa ang hawak na hostages ng Abu Sayyaf, kabilang ang anim na dinukot kamakailan lamang, isang Dutch national na dinukot noon pang 2012, limang Indonesian na dinukot noong nakaraang taon at tatlo pang Pinoy.
“Wala na silang pili kasi hindi na nga sila makakuha ng dayuhan because of our relentless effort, we are on the move, so they run short of finances and logistics, so they are now adopting this so called express kidnapping, kahit sino na lang, kahit barya-barya na lang pinapatulan na nila, dati milyones ang kanilang mga ransom demands, ngayon ano na lang mga P100,000, less than one million just to probably sustain.” Pahayag ni Sobejana
(Ratsada Balita Interview)