Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nila tatantanan ang grupong nakapatay sa 18 miyembro ng Philippine Army sa Basilan.
Ayon kay Major Felimon Tan, Spokesman ng Western Mindanao Command, sadyang hindi binitiwan ng tropa ng Joint Task Force Basilan ang grupo ng Abu Sayyaf na umaabot sa 120 dahil alam nilang malalaking opisyal ng mga bandido ang naroon.
Sa katunayan, napatay anya sa bakbakan si Mohammad Khattab, isang Moroccan national na kilala nilang instructor sa paggawa ng IED o improvised explosive device at Ubaida Hapilon, anak ni Abu Sayyaf Leader Isnilon Hapilon.
Bahagi ng pahayag ni Major Felimon Tan, Spokesman ng Western Mindanao Command
Help for the families
Samantala, nasa half-mast ang bandila ng Pilipinas sa lahat ng kampo militar at mga tangapan ng Tanggulang Pambansa.
Ito ay bilang pagbibigay-pugay sa 18 miyembro ng 44th Infantry Battalion na nasawi sa pakikipaglaban sa Abu Sayyaf sa Basilan.
Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, Spokesman ng AFP, sa ngayon ay may 6 pang sundalo ang nasa kritikal na kundisyon samantalang nasa maayos na kalagayan na ang iba pang sugatan sa labanan.
Tiniyak ni Padilla na hindi pababayaan ng AFP ang pamilya ng mga sundalong nasawi noong mismong Araw ng Kagitingan.
Bahagi ng panayam kay AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas | Karambola