Binuksan na ng bandidong Abu Sayyaf ang kanilang linya ng komunikasyon sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte
Ayon kay Muammar Askali Alyas Abu Rami, tagapagsalita ng Abu Sayyaf, nais nilang makausap mismo si Presidential Peace Adviser Secretary Jesus Dureza para ilatag ang kanilang mga hinaing
Gayunman, nagbanta ang mga bandido na kanilang papatayin ang Norweigian nilang bihag na si Kjartan Sekkingstad kung hindi sila papansinin ng bagong administrasyon
Una nang nagpahiwatig si Pangulong Rodrigo Duterte ng pagiging bukas sa mga bandido na makipag-usap sa paniniwalang may kinalaman sa sitwasyon sa Mindanao ang kanilang hinaing na nais maipabatid
By: Jaymark Dagala