Kinumpirma ng Malakaniyang na may 5 panibagong bihag ang hawak ngayon ng bandidong Abu Sayaf sa Mindanao
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza, pawang Malaysian Nationals ang dinukot ng mga bandido nuong Lunes sa bahagi ng Lahad Datu sa bahaging Sabah
Sakay aniya ng tugboat mula sa Sandakan sa Malaysia ang mga biktima at patungo sana sa Semporna nang mangyari ang pagdukot
Gayunman, tiniyak ni Dureza na kumikilos na ang mga awtoridad para matukoy ang kinaroroonan ng mga biktima ngunit mananatili ang no ransom policy na ipinatutupad ng pamahalaan
By: Jaymark Dagala