Ransom at gamot.
Ito ang hinihingi ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf sa kaanak ng dalawa kataong dinukot ng mga ito.
Ipinabatid ni Sabah Police Commissioner Datuk Jalaluddin Abdul Rahman na tatlong beses nang tumawag ang mga bandido sa pamilya ng kanilang mga biktima para humingi ng gamot ni Thien Nyuk Fun na isang diabetic.
Subalit hindi naman tinukoy kung magkano ang hinihinging ransom ng Abu Sayyaf kapalit ng kalayaan ng mga nasabing biktima na kapwa ligtas at inililipat-lipat mula sa isang isla patungo sa isa pang isla.
Mayo 14 nang dukutin ng mga armadong kalalakihan na hinihinalang may kaugnayan sa Abu Sayyaf sina Thien at Customer nitong si Bernard Thed Ten Fen sa isang seafood restaurant sa Sandakan.
By Judith Larino