Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na konektado ang grupong Abu Sayyaf sa “Bamboo Triad” na itinuturong nasa likod ng paglaganap ng kalakalan ng iligal na droga sa Southeast Asia kabilang na ang Pilipinas.
Ayon kay Pangulong Duterte, nasa bansa na ang ilang kinatawan ng Bamboo Triad na nagpo-proseso ng droga sa mga terorista partikular na sa Jolo Sulu.
Dagdag pa ng Pangulo, ang sistema ng mga ito ay katulad ng nangyari sa Marawi City kung saan nauwi sa rebelyon ang pagtugis sa isang drug personality.
Nauna rito, ibinunyag ng Presidente na sinusuportahan ng mga drug lord at narco-politician ang grupong Maute na naghasik ng kaguluhan sa Marawi City.
Magkahiwalay naman nang itinanggi ng China at ng Taiwan ang paratang ng Pangulo na sa kanila nagmumula ang supply ng iligal na droga na naipapasok sa bansa.
—-