Patay sa gitna ng bakbakan ng militar at mga miyembro ng Abu Sayyaf Group o ASG sa Bohol si Abu Sayyaf leader Joselito Melloria.
Kinumpirma ito sa DWIZ ni AFP Spokesman Restituto Padilla matapos ang engkwentro ng dalawang grupo sa Barangay Bacani, bayan ng Clarin na nagsimula kaninang 1:00 ng hapon.
Una nang kinumpirma ng militar ang presensya ng Abu Sayyaf group sa Bohol na nagpa-planong maglunsad ng kidnapping activities doon.
Mga residente sa Olango Island nanatili paring takot dahil sa presensya ng Abu Sayyaf
Nanatili pa ring takot ang maraming residente sa Olango Island sa lalawigan ng Cebu dahil sa presensya ng pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group o ASG.
Ayon sa Philippine National Police o PNP Regional Office 7, tumangging umuwi ang halos 25 mga pamilya na nanunuluyan sa isang evacuation center sa nasabing isla.
Naging maagap naman ang mga otoridad na suyurin ang lugar na sinasabing pinagtataguan ng mga miyemrbo ng nasabing terrorist group ngunit hindi nakita ang mga ito.
Ang isla ng Olango ay 25 kilometro lamang ang layo sa bayan ng Inabanga sa Bohol kung saan ay naka – engkwentro at napatay ang ilang miymebro ng Abu Sayyaf.
By Rianne Briones