Patay ang isang lider ng Abu Sayyaf Kidnap for Ransom Group makaraang makasagupa ang pulisya sa Alicia, Zamboanga Sibugay.
Kinilala ng mga awtoridad ang napatay na notorious leader na si Imam Yasin.
Ayon sa PNP Region 9, nagsagawa ng enforcement operation ang pulisya laban kay Yasin nang maka-engkwentro nila ang grupo ng mga bandido sa Sitio Tarlah, Barangay Tampalan alas-3:00 kaninang madaling araw.
Sugatan naman sa nasabing operasyon ang dalawa pang miyembro ng Abu Sayyaf habang sugatan din sa panig naman ng gobyerno ang SAF trooper na si PO2 Larry Palidnang.
By Ralph Obina | Report from Jonathan Andal (Patrol 31)