Sugatan ang Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon makaraang maka-engkwentro ng mga bandido ang militar sa Lanao del Sur.
Ayon kay Philippine Army 103rd Brigade Commander Col. Nixon Fortes, tinamaan ng bala si Hapilon sa kanang binti nito nang makasagupa ang pUwersa ng 51st Battalion at 15th Division Reconnaisance Company.
Nasawi naman sa insidente ang tatlo sa mga bantay ni Hapilon.
Narekober naman sa pinangyarihan ng bakbakan ang matataas na uri ng armas ng grupo ni Hapilon.
Matatandaang Enero nang masugatan din si Hapilon sa inilunsad na airstrike ng militar sa bayan ng Butig sa Lanao del Sur.
Sinasabing ang grupo ni Hapilon ay sumapi na sa lokal na terororista sa Lanao, ang Maute Group.
By Ralph Obina