Muling nagbanta ang Abu Sayyaf na papatayin ang 3 pa nitong bihag, isang linggo matapos nila pugutan si John Ridsdel.
Ito ay sa video na ipinalabas ng grupo kung saan 6 na armadong Abu Sayyaf ang nasa likod ng tatlong bihag na naka-upo sa lapag.
Sinabi ng Norwegian na bihag na si Kjartan Sekkingstad na kung hindi ibibigay ng kani-kanilang pamahalaan ang demand ng grupo ay maaari silang matulad sa kaibigan na si John.
Nakiusap din ang Canadian na si Robert Hall sa pamahalaan ng Pilipinas na itigil ang pamamaril sa grupo dahil tiyak na madadamay sila.
By Katrina Valle