Abala ngayon ang PNP o Philippine National Police sa paggalugad sa mga lugar na posibleng kinaroroonan ng mga Abu Sayyaf sa lalawigan ng bohol
Ito’y makaraang dumagsa ang mga natatanggap na impormasyon ng PNP matapos i-anunyso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P1-M pabuya para sa sinumang makapagtuturo sa mga bandido.
Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, sang-ayon siya sa naging pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng nakalabas na ng Bohol ang mga sinasabing bandido kapag hindi pa iyon nakita sa loob ng tatlong (3) araw.
Hindi rin ini-aalis ng pulisya ang posibilidad na nagkubli lamang sa ibang lalawigan sa Visayas ang mga bandido ngunit mas malaki ang tiyansa na bumalik na lamang ang mga iyon sa kanilang kuta sa Mindanao.
By Jaymark Dagala |With Report from Jonathan Andal