Pansamantalang isinara ng University of the Philippines – Diliman ang kanilang Academic oval at iba pang public space sa Quezon City simula ngayong araw sa gitna ng tumataas na COVID-19 cases.
Inanunsyo ng pamunuan ng UP – Diliman na mag-ooperate ang kanilang mga tanggapan at unit sa pamamagitan ng work-from-home arrangement hanggang January 18.
Kahapon ay nakapagtala ang bansa ng karagdagang 28,706 COVID-19 cases kaya’t pumalo na sa 128,114 ang aktibong kaso.
Ipinahiwatig naman ni Health Secretary Francisco Duque III na maaaring isailalim sa mas mahigpit na Alert level 4 ang National Capital Region depende dahil sa walang puknat na pagtaas ng COVID-19 cases.