Tanging academic standing lamang ng mga estudyante ang dapat maging batayan sa pagbawi sa kanilang scholarship grant.
Binigyang diin ito ni Education Secretary Leonor Briones matapos isulong ni National Youth Commission Chair Ronald Cardema ang pagbawi sa scholarship ng mga aniya’y anti-government scholars.
Sinabi ni Briones na hindi makatuwirang basehan ang pagkakasangkot ng mga mag aaral sa mga pagkilos laban sa gobyerno para bawiin ang kanilang scholarship.
Marami aniyang mga aktibista ang matataas ang grado kaya’t maling pag basehan ang pagsali ng mga ito sa mga kilos protesta para mabawi ang kanilang scholarship grants.