Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang maraming accomplishments ng administrasyon sa pamamagitan ng pagkakaroon unity, open, at engaging approach.
Sa oathtaking ng mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), sinabi ni PBBM na sa maikling panahon at marami nang nagawa at naumpisahan ang administrasyon.
“Now, if you look at it, we have not yet been in office for two years but in that small time, napakarami na nating nagawa, napakarami na nating naumpisahan,” sabi ng Presidente.
Isa sa mga dahilan nito, ayon sa pangulo, ay ang pagkakaisa sa pamahalaan.
“And the reason is that because we have been working together, we have been following the same plan, we have come together, nakipag-ugnayan tayo; ‘Ano bang problema doon sa inyong region, sa iyong probinsya, sa iyong bayan,’ at pinakinggan natin silang lahat hindi lamang ‘yung mga political leader, kung di pati na ang taong bayan, at makinig tayo.” dagdag niya.
Kasabay nito, nanawagan ang Pangulo sa PFP na patuloy na palakasin ang partido.
Umaasa din ito na susuportahan ng publiko ang PFP sa eleksyon sa susunod na taon.
“Maliwanag na maliwanag na ang taong-bayan dito sa Pilipinas ay talagang sinasabi maganda itong ginagawa natin na sabay-sabay tayong tumutulong.” ani Marcos.
Bukod sa pagpapalakas ng ekonomiya, sabay ding isinusulong pamahalaan ng soberanya bansa.
Ang PFP ay itinatag noong 2018, at si Pangulong Marcos ang kasalukuyang chairman nito.
Ang PFP, Lakas-CMD, Hugpong ng Pagbabago (HNP), at Partido ng Masang Pilipino (PMP), at iba pang guest candidates mula sa ibang partido ang bumuo sa UniTeam Alliance noong 2022 national polls.