Nadagdagan pa ang listahan ng mga hotels at accommodation establishments na binigyan na ng otorisasyon ng Boracay Inter-Agency Task Force para mag-operate simula sa oktubre a-bente sais o opisyal na araw ng pagbubukas ng isla.
Batay sa ipinalabas na listahan ng DOT o Department of Tourism kahapon, mula sa naunang animnaput walo, aabot na sa isang daan at labing anim ng mga establisyimento ang binigyan na ng clearance ng pamahalaan na magbukas.
Kasabay nito muling pinaalalahanan ng DOT ang publiko na tiyaking sa mga accredited accommodation establishments lamang mag-book.
Babala pa ng DOT, posibleng maparusahan ang mga establisyementong hindi pa nakasusunod sa requirements ng DENR, DILG at maging ng DOT subalit tumatanggap na ng booking reservations at naglalagay ng mga online promotions.