Nilinaw ni department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na walang perpektong COVID-19 tests.
Aniya, ang RT-PCR tests ay accurate lamang ng 80 hanggang 85%.
Sinabi pa ni niya na may pagkakataon din na magkaroon ng ‘false positive’ at ‘false negative’ sa resulta.
Samantala, ang naging pahayag ni Vergeire ay ukol sa isang pamilyang nagtungo sa boracay at sumailalim sa naturang test sa Philippine Airport Diagnostic Laboratory kung saan isa rito ang nagpositbo habang negatibo sa nasabing virus ang lahat ng kasama nito.