Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na umabot na sa mahigit 99.95% ang average accuracy rate sa nagdaang 2022 national and local elections.
Ito ay base sa Random Manual Audit (RMA) ng Commission on Elections (COMELEC) hinggil sa mga boto noong Mayo a- 9.
Ang running accuracy rate noong halalan ay binubuo ng:
- President na may 99.98%
- Vice President na may 99.97%
- Senator na may 99.98%
- Party list na may 99.8664%
- mga miyembro ng House of Representatives na may 99.98%
- at Mayor na may 99.97%
Ayon sa COMELEC, ang average accuracy rate ay kinukuwenta gamit ang percentage rate sa kada posisyon bilang addends o ang pag-aadd pagkatapos ay hinahati sa anim.