Tiniyak ng DOH na accurate o tama ang COVID-19 statistics kahit hindi kasama ang resulta mula sa antigen testing.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, apat o limang LGU lamang sa Metro Manila ang gumagamit ng antigen tests.
Ipinabatid ni Vergeire na batay sa kanilang analysis sa buong bansa walang 5% ang nagpa positive sa antigen test at nababawasan pa ito aniya kapag naba validate nila.