Muling napasakamay ng Ace Hardware ang “Hardware retailer of the year” award na iginawad ng Retail Asia Awards.
Kasunod na rin ito nang pagkilala sa commitment ng Ace Hardware sa misyon nitong makatulong sa mga Pilipino.
Nanalo rin ang ACE Hardware bilang “ESG Initiative of the Year – Philippines matapos ipatupad ang “Green finds” initiative ng SM Retail , bilang pagpo-promote sa sustainable living at maging sa eco-friendly products.
Binigyang diin ni Bernard Ong, Pangulo ng Ace Hardware Philippines na ikinagagalak nila ang nasabing award mula sa Retail Asia lalo pat aktibo ang Ace Hardware sa pakikiisa para mapalakas ang mga komunidad sa pamamagitan ng partnership sa Habitat for Humanity, Brigada Eskwela, Department of Health at iba pa.
Ipinagmalaki ni Ong na layon ng “We can help” programs nila na makapagsilbi sa komunidad.
Ang ACE Hardware ay Philippines ay mayruong 240 stores at bahagi ng SM Retail na siyang Retail Arm ng SM Investments corporation.
Kinikilala ng retail asia awards ang best retailers sa rehiyon gayundin ang mga major breakthroughs, innovations at key players sa asia retail industry.