Pinakikilos ng isang kongresista ang ilang mga ahensya ng pamahalaan na labanan ang naglipanang prostitution dens sa bansa.
Ayon kay ACT-CIS Partylist Representative Eric Yap kailangan ay mahigpit na ipatupad ng mga ahensiya ang batas laban dito.
Ang mga ahensyang kinalampag ng kongresista ay ang Bureau of Immigration (BI), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).
Hinimok din ni Yap na kasuhan agad ang mga mahuhuli.
Matatandaang nasagip ang higit 30 babae na nagsisilbing sex den para sa mga empleyado ng isang offshore gaming operations noong Lunes.