Handa na ang ACT-CIS partylist upang mamahagi ng food packs at iba pang tulong sa mga residente sakaling tuluyan ng sumabog ang Bulkang Taal.
Ayon kay ACT-CIS partylist Rep. Eric Yap, makikipag-ugnayan sila sa DSWD at lokal na pamahalaan ng Cavite at Batangas upang matukoy ang mga lugar na lubhang apektado.
Aniya, batid ng ACT-CIS na marami pang residente sa Batangas ang hindi pa nakakabangon nang sumabog ang bulkang taal noong nakaraang taon.
Samantala, patuloy naman ang pagbabantay ng iba’t ibang ahensya alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na maghanda na bago pa sumabog ang bulkan. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico