Pinagbawalan umano ng ilang local office ng Department of Education (DepEd) ang mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na magsilbing election inspectors sa May 13 midterm elections.
Ayon sa report, sinabihan ng ilang opisyal ng DepEd sa Central Luzon at Eastern Samar ang ilang miyembro ng ACT na hindi sila maaaring magsilbi sa darating na eleksyon.
Maging sa lalawigan ng Laguna ay lumutang din ang report na may mga dokumentong pinaiikot na nagsasabing hindi kuwalipikado ang mga miyembro ng ACT para gampanan ang tungkulin bilang election inspectors.
ACT answers
Bumuwelta ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa umano’y pagbabawal sa kanilang mga miyembro ng ilang local office ng DepEd na magsilbing election inspectors sa May 13 midterm elections.
Sinabi ni Raymond Basilio, Secretary General ng ACT na malicious strike ang nasabing hakbang na malinaw na laban sa karapatan ng mga gurong bumuo ng isang unyon.
Isa rin aniya itong pananapak sa economic rights ng mga guro na kailangan pa umanong magbitiw sa puwesto kung nais maging bahagi ng board of election inspectors.
Ayon pa kay Basilio, malaking tulong ang anim na libong pisong (P6,000) honorarium kada election inspector dahil napakababa ng suweldo ng mga guro.
—-