Maagang nagsagawa ng kilos protesta ang ACT o Alliance of Concerned Teachers o ilang oras bago nagbukas ang klase ngayong araw na ito.
Ang mga miyembro ng ACT ay nagsagawa ng tinagurian nilang almusalang guro kung saan nag almusal sila ng kanin, instant noodles at dilis na anila’y sumasalalim sa maliit na kita ng mga guro.
Iginiit ng ACT sa pamahalaan na maibigay sa kanila ng dagdag na sahod at iba pang benepisyo para sa kanila.