Nanawagan sa gobyerno ang Alliance of Concerned Teachers o ACT na itaas sa 38 percent o 29,000 pesos ang monthly salary ng mga guro sa bansa.
Ginawa ang panawagan kasabay ng isinagawa ngayong “Run for Teachers Rights and Sovereignty” ng nasa limampung miyembro ng ACT na mula sa National Capital Region o NCR.
Ayon sa organizers ng event, nais nilang kalampagin ang pamahalaan upang magpatupad rin ng monthly salary increase na aabot sa P29,000 mula sa kasalukuyang P21,000.
Hinimok naman ni ACT-NCR President Jocelyn Martinez si Pangulong Rodrigo Duterte na i-prioritize ang teachers’ pay hike, matapos nitong doblehin ang sweldo ng mga pulis at militar na nagsimula noong nakalipas na buwan ng Enero.