May mga kailangan pang gawin sa mga paaralan bago tuluyang ibalik ang face to face classes sa mga lugar na mayroong mas mababang kaso ng COVID-19.
Ayon kay ACT Secretary General Raymond Basilio, dapat na magkaruon ng maayos na ventilation ang mga silid aralan, sapat na classrooms at handwashing stations gayundin ng tubig, clinic, healthcare workers, COVID-19 testing at health checks.
Bukod dito, sinabi ni Basilio na isinusulong nila ang transportation program para sa mga estudyante upang makaiwas sa exposure sa COVID-19 habang nagbabiyahe papasok.