Iginiit ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pangangailangang magbigay ng mga benepisyo sa sick leave ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Binigyang diin ng grupo, na dapat maging pantay ang mga empleyadong regular at hindi regular sa pampublikong paaralan maging sa pribadong sektor.
Ayon sa ACT, higit sa limampung porsyento ng mga guro sa National Capital Region (NCR) ang nakakaranas ngayon ng mga sintomas ng trangkaso mula pa noong Enero a-11.
Bilang tugon, naglabas ang DepEd Central Office ng memorandum na nagpapahintulot sa regional at schools division offices na magdeklara ng suspensiyon ng klase sa kani-kanilang mga lugar. —sa panulat ni Kim Gomez