Umapela ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Commission on Elections (Comelec) na dagdagan ang kompensasyon ng mga gurong apektado ng pagkasira ng SD cards sa ilang lugar.
Matatandaang nasa nagkaroon ng aberya ang ilang libong SD cards nuong eleksyon dahilan para mag malfunction ang mahigit 400 mga vote counting machine (VCM).
Ayon sa grupo, napilitang magserbisyo ng mas mahabang oras ang mga libu-libong mga guro dahil sa naging problema.
Humirit ang grupo ng diyalogo kay Comelec Chairman Sheriff Abas sa Mayo 20, Lunes para pag usapan ang naturang usapin.