Nanawagan si acting Chief Justice Antonio Carpio sa gobyerno na iprotesta ang pag-landing ng military aircraft ng China sa Panganiban Reef.
Una nang inilabas ng pahayagang Inquirer ang larawan ng dalawang Xian 7 – 7 military plane na nag-landing sa Tarmac ng panganiban o kilala rin bilang Mischief Reef.
Ayon kay Carpio, kung mananatiling tahimik ang bansa sa pagkilos ng China ay posibleng tuluyang mawala at matalo ang Pilipinas sa pag-angkin sa pinag-aagawang teritoryo.
Binatikos din ni Carpio ang naging pahayag ng Department of Foreign Affairs o DFA na gumagawa na ito ng diplomatic action para proteksyunan ang pag-aari ng bansa.
Sinabi ni Carpio na dapat na maghain ang ahensya ng note verbale para ipakita ang pagtutol at panindigan ang pag-angkin ng bansa sa naturang mga teritoryo.
—-