Itinalaga ng Commission on Elections o COMELEC En Banc si Commissioner Christian Robert Lim bilang acting chair ng komisyon.
Kasunod na din ito ng pagtanggap ng Malakanyang at gawing effective immediately ang resignation ni COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ipinabatid ni COMELEC Spokesman James Jimenez na unanimous ang naging pasya ng COMELEC En Banc para italaga si Lim bilang acting COMELEC Chair bilang pinaka-senior commissioner.
Magugunitang noong nag-retiro si dating COMELEC Chairman Sixto Brillanes, si Lim na ang nagsilbing acting COMELEC Chairman.