(To be Updated)
Itinalagang acting secretary ng DFA o Department of Foreign Affairs si Undersecretary Enrique Manalo matapos na ibasura ng Commission on Appointments ang nominasyon kay Secretary Perfecto Yasay bilang kalihim ng kagawaran.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, si Manalo ay mananatiling officer in charge ng DFA hanggang sa makapili na ang Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong kalihim.
Inilarawan ni Abella si Manalo bilang isang ‘excellent transition man‘ na nakasama na rin ni Yasay sa pagharap sa ilang mahahalagang isyu sa kagawaran.
—with report from Aileen Taliping (Patrol 23)
*Presidential Photo