Kinasuhan sa Ombudsman ang acting general manager ng Tugaya Water District at isang opisyal ng construction firm sa Lanao del Sur.
Ito’y dahil sa mali umanong paggamit sa P10-M pondo para pagtatayo ng water supply system sa nasabing lugar noong 2011.
Patum-patong na kasong graft at malversation of public funds ang isinampa laban kay Jamaloden Faisal gayundin sa isang Alikahn Ebrahim ng Nascon Builders na siyang tinutukoy na contractor ng nasabing proyekto.
Lumalabas sa fact finding investigation ng Tanod – Bayan na tumanggap umano si Faisal ng P10-M bilang paunang pondo para sa nasabing proyekto na napag-alamang hindi kailanman nasimulan at hindi rin umiiral.