Binuksan na ng Philippine National Police o PNP ang kanilang National Election Monitoring Action Center o NEMAC.
Dito ipadadala ang lahat ng mga situational report mula sa lahat ng mga pulis na nakakalat sa ground sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Police Deputy Director General Danilo Constantino, ito ang magsisilbing central monitoring center kung saan, makikita ang mga pangyayari sa mga lugar na pinagdarausan ng eleksyon in real time.
Aniya, mas mapapadali nito ang pagtugon sa anumang emergency situations sa isang lugar na nangangailangan ng pahintulot o gabay mula sa national headquarters.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal (Patrol 31)