Ini-activate na ng Department of Education ang kanilang action center na tatanggap ng mga reklamo kaugnay sa muling pagbubukas ng klase ngayong school year 2018-2019.
Ayon sa DepEd, ang command center ay binubuo ng kanilang mga personnel na sasagot sa mga tawag mula sa kanilang hotline numbers na 0919-4560027, 638-7529, 638-7530, 638-7531 at 635-9817.
Inihayag naman ni DepEd Undersecretary Jesus Mateo na pinaghahandaan din nila ang posibleng class suspensions lalo’t posibleng magsimula na ang tag-ulan ngayong unang linggo ng Hunyo.
Samantala, tinututukan din ng DepEd action center ang mga reklamo ng mga estudyante at magulang sa kanilang social media accounts.