Isusumite na ng Pilipinas sa United Nations (UN) ang Intended Nationally Determined Contribution o INDC na naglalaman ng climate action plan ng bansa.
Ayon kay Lucille Sering, kalihim ng Philippine Climate Change Commission o CCC, isinasapinal na ang action plan at ihahabol ito sa deadline na itinakda ng U.N. Framework Convention on Climate Change o UNFCCC sa susunod na linggo.
Nakasaad sa INDC ang mga hakbang na isasagawa ng gobyerno upang maibsan ang dumi sa hangin pagkatapos ng taong 2020.
Sinasabing sa 200 bansa ay 39 pa lamang ang nakapagsumite na ng naturang action plan.
By Jelbert Perdez