Nakatakdang magpulong ngayong araw ang mga kalihim ng tatlong kagawarang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangasiwaan ang rehabilitasyon ng Boracay Island sa Aklan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kabilang sa mga dadalo sa pagpupulong sina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, Interior and Local Government Officer-In-Charge Eduardo Año at Tourism Secretary Wanda Teo.
Inaasahan din ayon kay Roque na ilalabas ang inilatag na action plan para sa rehabilitasyon ng nasabing isla batay na rin sa magiging resulta ng pagpupulong ng mga naturang kalihim
Magugunitang ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mabilis na rehabilitasyon sa Boracay sabay pagbabanta na ipasasara ito kung hindi agad maaaksyunan ang mga problema at isasailalim din ito sa state of calamity.
—-