Pinakilos ng Department of Transportation (DOTr) ang lahat ng transport hubs sa bansa na i-activate na ang kani-kanilang Malasakit Help Desks (MHDs) simula sa Biyernes, October 25 hanggang November 4.
Ito ay para matiyak ang ligtas na paglalakbay ng publiko sa All Saints’ Day at All Souls Day, may kaugnayan sa pagdaraos ng ‘Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2019’.
To keep the public safe in their annual journey to the provinces for All Saints’ Day and All Souls’ Day, the DOTr has directed for the intensified activation of Malasakit Help Desks at all transport hubs throughout the country.#DOTrPH
FULL REPORT: https://t.co/KOkCmc528q pic.twitter.com/l3BS5nu5hV
— DOTrPH (@DOTrPH) October 22, 2019
Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero at motorista patungo sa ibat ibang destinasyon, ang MHD ang magsisilbing one-stop-shop para sa mga pasahero na mangangailangan ng tulong sa airports, seaports, train stations at land terminals.
Kabilang sa mga maaaring ipagkaloob na ayuda sa mga maglalakbay ay ang pagtugon sa transport related inquiries, complaints at requests for assistance tulad nang paghahanap ng masasakyan na transport network vehicle service (TNVS)/taxi booking, pagfacilitate ng refund ng terminal fees, paghahatid ng emergency medical assistance, pagtanggap ng posibilidad ng security threats at marang iba pa.
Mamamahagi rin ang MHDs ng Malasakit Help Kits lalo na sa mga buntis, may bitbit na mga bata, mga nakakatanda at persons with disabilities (PWDs).
Ang mga nasabing kit ay naglalaman ng inumin at light snacks, battery operated fans, face towels, fordable fans, wet wipes, hand sanitizer at ballpens at iba pa para maging komportable ang biyahe.
Ipinaalala rin ng DOTr sa mga estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo maging ang mga naka-enroll sa technical at vocational schools na libre sila sa pagbabayad ng terminal fees sa airports na ino-operate ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) pati na sa seaports na pinangangasiwaan ng Philippine Ports Authority.